Top newsWorld

News in: TagalogTagalog
06/11/2014 14:09 published by Philippinen-POST-NEWS (unknown) in / / Philippines - #-20140611-1040

Pilipinas

Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Kumakarga ang "mamamayang Pilipino" dito. Para sa lathala tungkol sa mamamayang Pilipino, tingnan ang mga Pilipino.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines
República de Filipinas
Watawat Sagisag
Pambansang Kasabihan: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa[1]
Pambansang Awit: 
Menu
0:00

Lupang Hinirang
Kinaroroonan ng  Pilipinas  (luntian)

sa ASEAN  (madilim na abu)  —  [Gabay]

Kabisera Maynila
14°35′N 121°0′E
Pinakamalaking lungsod Lungsod Quezon
Opisyal na wika Filipino (nakabatay sa Tagalog) Kastila, at Ingles*
Kinikilalang rehiyonal na wika Bikol, Wikang Sugbuano, Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Waray
Ibang wika[1] Kastila at Arabe
Pangalang-
turing
Pilipino/Pilipina
Pamahalaan Unitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal
 -  Pangulo Benigno S. Aquino III
 -  Pangalawang Pangulo Jejomar Binay
 -  Pangulo ng Senado Franklin Drilon
 -  Ispiker Feliciano Belmonte, Jr.
 -  Punong Mahistrado Maria Lourdes Sereno
Kalayaan mula sa Espanya at nagkakaisang mga estado ng amerika 
 -  Idineklara 12 Hunyo 1898 
 -  Pansariling pamahalaan 24 Marso 1934 
 -  Kinikilala 4 Hulyo 1946 
 -  Kasalukuyang saligang batas 2 Pebrero 1987 
Lawak
 -  Kabuuan 300,000 km2 (Ika-72)
115,831 sq mi 
 -  Tubig (%) 0.6[2] (inland waters)
Populasyon
 -  Pagtataya ng 2011 95,834,000[3] (Ika-12)
 -  Senso ng 2012 97,691,000 
 -  Kakapalan 303/km2 (Ika-42)
715/sq mi
KGK (KLP) Pagtataya ng 2012
 -  Kabuuan $ 396.721 Bilyon[4] 
 -  Bawat kapita ,060.987 
KGK (nominal) Pagtataya ng 2012
 -  Kabuuan 7.580 Bilyon 
 -  Bawat kapita ,227.228 
TKT (2011) 0.644[5] (katamtaman) (Ika-112)
Pananalapi Piso ng Pilipinas (PHP)
Pook ng oras PST (UTC+8)
Internet TLD .ph
Kodigong pantawag 63
* Ang Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Kinaray-a, Maranao, Maguindanao, Tagalog, at Tausug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang pangunahing at kusang batayan.

Ang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas), (Ingles: Republic of the Philippines, Espanyol: República de Filipinas) ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.

Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.

Malaking ambag o pababago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking ambag na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.

Tanyag ang Bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-luwas at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers[mga pilipinong manggagawa sa ibayong dagat]. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remittances na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pang-kaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call centers na naglipana sa bansa.

Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ngkapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay,labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat na hukbong pagpapalaya na moro islamiko (MILF) sa katimugang Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.