Top nouvellesMonde
Pilipinas
Pilipinas
- Kumakarga ang "mamamayang Pilipino" dito. Para sa lathala tungkol sa mamamayang Pilipino, tingnan ang mga Pilipino.
Republika ng Pilipinas
Republic of the Philippines República de Filipinas | ||||||
---|---|---|---|---|---|---|
|
||||||
Pambansang Kasabihan: Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan, at Makabansa[1] | ||||||
Pambansang Awit: Lupang Hinirang |
||||||
Kabisera | Maynila 14°35′N 121°0′E |
|||||
Pinakamalaking lungsod | Lungsod Quezon | |||||
Opisyal na wika | Filipino (nakabatay sa Tagalog) Kastila, at Ingles* | |||||
Kinikilalang rehiyonal na wika | Bikol, Wikang Sugbuano, Hiligaynon, Ilokano, Pampango, Pangasinense, Tagalog, Waray | |||||
Ibang wika[1] | Kastila at Arabe | |||||
Pangalang- turing |
Pilipino/Pilipina | |||||
Pamahalaan | Unitaryong pampanguluhang republikang konstitusyonal | |||||
- | Pangulo | Benigno S. Aquino III | ||||
- | Pangalawang Pangulo | Jejomar Binay | ||||
- | Pangulo ng Senado | Franklin Drilon | ||||
- | Ispiker | Feliciano Belmonte, Jr. | ||||
- | Punong Mahistrado | Maria Lourdes Sereno | ||||
Kalayaan | mula sa Espanya at nagkakaisang mga estado ng amerika | |||||
- | Idineklara | 12 Hunyo 1898 | ||||
- | Pansariling pamahalaan | 24 Marso 1934 | ||||
- | Kinikilala | 4 Hulyo 1946 | ||||
- | Kasalukuyang saligang batas | 2 Pebrero 1987 | ||||
Lawak | ||||||
- | Kabuuan | 300,000 km2 (Ika-72) 115,831 sq mi |
||||
- | Tubig (%) | 0.6[2] (inland waters) | ||||
Populasyon | ||||||
- | Pagtataya ng 2011 | 95,834,000[3] (Ika-12) | ||||
- | Senso ng 2012 | 97,691,000 | ||||
- | Kakapalan | 303/km2 (Ika-42) 715/sq mi |
||||
KGK (KLP) | Pagtataya ng 2012 | |||||
- | Kabuuan | $ 396.721 Bilyon[4] | ||||
- | Bawat kapita | ,060.987 | ||||
KGK (nominal) | Pagtataya ng 2012 | |||||
- | Kabuuan | 7.580 Bilyon | ||||
- | Bawat kapita | ,227.228 | ||||
TKT (2011) | 0.644[5] (katamtaman) (Ika-112) | |||||
Pananalapi | Piso ng Pilipinas (PHP ) |
|||||
Pook ng oras | PST (UTC+8) | |||||
Internet TLD | .ph | |||||
Kodigong pantawag | 63 | |||||
* Ang Cebuano, Ilokano, Hiligaynon, Bikol, Waray-Waray, Kapampangan, Pangasinan, Kinaray-a, Maranao, Maguindanao, Tagalog, at Tausug ay ang mga auksilar na wikang opisyal sa kanilang sariling rehiyon. Ang Kastila at Arabe ay itinataguyod sa isang pangunahing at kusang batayan. |
Ang Pilipinas (opisyal: Republika ng Pilipinas), (Ingles: Republic of the Philippines, Espanyol: República de Filipinas) ay isang bansa sa Timog Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Binubuo ang bansa ng higit-kumulang na pitong libo, isang daan at pitong (7,107) mga pulo. Kabilang sa lupalop o kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.
Matatagpuan sa pagitan ng 116° 40' at 126° 34' S. longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang Pilipinas. Pinapalibutan ito ng Dagat Pilipinas sa silangan, ng Dagat Luzón sa kanluran, at ng Dagat ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang Taiwan.
Malaking ambag o pababago sa wika at kinaugalian ng Pilipinas ang naidulot ng pagsakop ng mga bansang Espanya (mula 1565 hanggang 1898) at Estados Unidos (mula 1898 hanggang 1946). Ang pananampalatayang Katoliko o Katolisismo ang pinakamalaking ambag na naibahagi ng mga Kastila sa kaugaliang Pilipino.
Tanyag ang Bansang Pilipinas sa mga kalakal at yaring pang-luwas at sa kanyang mga OFW o Overseas Filipino Workers[mga pilipinong manggagawa sa ibayong dagat]. Kasalukuyang nakararanas ng pag-unlad ang bansa sa mga remittances na ipinapadala pauwi ng mga OFW. Isa sa mga pinakaumuunlad na bahagi ang teknolohiyang pang-kaalaman sa ekonomiya ng Pilipinas. Marami ring mga dayuhan ang namumuhunan sa bansa dahil sa mataas na palitan ng dolyar at piso. Kasalukuyan ding umaangat ang bahagi ng pagsisilbi na dulot ng mga call centers na naglipana sa bansa.
Katiwalian sa pamahalaan, pagkasira ngkapaligiran, basura, kawalan ng hanapbuhay,labis na bilang ng tao at extra-judicial killings o pagpatay sa mga taong bumabatikos o kumakalaban sa pamahalaan ang mga pangunahing suliranin ng Pilipinas. Nagdudulot din ng suliranin sa bansa ang mga pangkat na hukbong pagpapalaya na moro islamiko (MILF) sa katimugang Mindanao at Bagong Hukbong Bayan.